ANWW19 Lecture Series: Dr. Jocelyn Martin
Para sa ikalawang panayam sa ika-19 na Ateneo National Writers Workshop (ANWW), makakasama natin si Dr. Jocelyn Martin, tampok ang kaniyang panayam na pinamagatang "To be disturbed, to mourn, to write: the making of Triggered, a book on the EJKs." Magaganap ito sa Hunyo 14, Martes, mula 5 n.h. hanggang 7 n.g., via Zoom.
![ANWW19](/sites/default/files/inline-images/287493791_544131060486289_1604060150974869583_n.jpeg)
Para sa mga interesadong makadalo sa nasabing panayam, maaaring mag-sign-up dito: https://forms.gle/Ygp7Xvtk1HCEXCy46
Para sa hindi makadadalo, maaaring mapanood ang rekording ng panayam sa Hunyo 18, Sabado, dito sa Facebook page ng AILAP.
Si Jocelyn Martin ay Associate Professor sa Department of English ng Ateneo de Manila University, kung saan siya rin ang nagsisilbing Managing Editor ng Kritika Kultura. Nagtapos ng PhD sa mga wika at panitikan sa Université Libre de Bruxelles, at bahagi ng Advisory Board ng Memory Studies Association at Editorial Board ng seryeng "Mobilizing Memory" ng Brill, nagsasaliksik siya hinggil sa alaala, trauma, pakikinig, pagsasalin, at pangkalikasang humanidades. Ang kaniyang mga kamakailang publikasyon ay matatagpuan sa Bloomsbury History: Theory and Method, Routledge Handbook of Translation and Memory, at Cultures of Memory in Asia (Routledge). Mula Setyembre 2022, siya rin ay magtuturo sa Université Catholique de l'Ouest sa Pransiya.