Martial Law Film Festival
Inihahandog ng Matanglawin Ateneo, ang Opisyal na Pahayagang Pangmag-aaral ng Pamantasang Ateneo de Manila, ang “Martial Law Film Festival”, isang serye ng film screening bilang paggunita sa ika-50 na anibersaryo ng pagdeklara ng Batas Militar sa bansa, para sa darating na Martial Law Week, kasama ang Ateneo Assembly, Ateneo Martial Law Museum, Loyola Film Circle, at Altermidya.
Simula ika-19 hanggang ika-23 ng Setyembre, itatampok sa Film Festival ang ilang mga pelikulang nagbabahagi ng mga karanasang mahalagang pakatandaan mula sa panahon ng Batas Militar, tulad ng Dekada ‘70, Batas Militar, Sister Stella L, at Liway. Magsisilbing parangal at paalala ang programa sa buong komunidad ng mga paaralang Loyola hinggil sa mga pambubusabos at pang-aabuso sa ilalim ng administrasyong Marcos at sa nasasaksihang pagbabalik ng nagbabadyang lagim sa kamay ng anak ng diktador.
Inaanyayahan namin kayong dumalo sa aming programa na gaganapin sa 5th Floor Study Hall ng New Rizal Library (First Pacific Hall) para sa una hanggang ikatlong araw nito (Setyembre 19, 20, at 22) at sa Escaler Hall naman para sa ikaapat na araw (Setyembre 23), sa ganap na ika-4 ng hapon hanggang 6:30 ng gabi.
Tara na’t makiisa sa pag-alala ng malagim na panahon ng Batas Militar.
Para sa mga interesadong dumalo, mangyaring magrehistro na lamang sa link na ito:
Para sa mga karagdagang detalye, huwag mag-atubiling sundan ang aming mga paskil sa Facebook (facebook.com/MatanglawinAteneo) at Twitter (twitter.com/MatanglawinADMU).
Mamulat at magpamulat!