Pagtatapos 2023 ng mga Paaralang Loyola: Misa ng Pagtatapos at Pangkalahatang Pagtatapos
Malugod na hinihiling ng Pangulo at ng Lupon ng mga Tagapangasiwa
ng Pamantasang Ateneo de Manila,
at ng Katuwang na Pangulo, mga Dekano, at mga Guro
ng mga Paaralang Loyola
ang inyong pagdalo sa
Pagtatapos 2023
Tugon sa panahon: mangahas, manalig, at manindigan para sa katotohanan
Biyernes, ika-30 ng Hunyo 2023
Misa ng Pagtatapos
7:30 ng umaga
Pangkalahatang Palatuntunan ng Pagtatapos
9:00 ng umaga
Binubungang Palaruan ng
Nakababatang Mataas ng Paaralang Ateneo de Manila
Pamantasang Ateneo de Manila
Kalye Katipunan, Tuktok Loyola
Lungsod ng Quezon 1008, Kalakhang Maynila, Pilipinas