Saríta: Trilohiya ng Mga Sinaring Katawan
“Nay yung nawala sa akin, tao yun. Bata yun. Kahit buong dugo lang ang hitsura niya, alam kong baby ko yun.” - Ate, mula sa “Labor Room” ni Maki de la Rosa
Patuloy ang tunggalian tungkol sa pagiging katawan ng isang nasa sinapupunan. Ano ang tunggalian sa kuwento ng iyong katawan?
Inihahandog ng Ateneo ENTABLADO sa kanilang ika-41 na tagdula "Luwal Laum";
"Saríta: Trilohiya ng Mga Sinaring Katawan" sa direksyon ni Jethro Tenorio
Labor Room
sa panulat ni Maki dela Rosa
Matira ang Matibay
sa panulat ni Bernice Dacara
The Commonwealth of Virginia
sa panulat ni JB Capino
LUGAR: Rizal Mini Theater, Faber Hall, Ateneo de Manila University
ORAS AT PETSA:
ika-7 N.G.; Oktubre 10-14, 17-21, 24-28
ika-2 N.H.; Oktubre 14, 15, 21, 22, 28
ika-10 N.U.; Oktubre 15 at 22
Punan lamang ang https://tinyurl.com/SaritaTicketOrderForm upang makabili ng tiket. Maaring makipag-ugnayan kay Lars Salamante (09776964072) para sa karagdagang impormasyon o anumang katanungan.
#ENTASarita #ENTA41 #LuwalLaum
Lathala nina Errol Perez at Kevin Solis
Mga litrato nina Naomi Soriano at Jake Lee
Kapsyon nina Uriel Dolorfino at Naomi Soriano
Mula sa SABB: The Student Activities Blueboard (Office of Student Activities - College)
Tungkol sa Ateneo Enterteynment para sa Tao, Bayan, Lansangan at Diyos (Ateneo ENTABLADO):
Ang Ateneo ENTABLADO ang natatanging sosyo-pulitikal na pangkat panteatro sa Ateneo. Sa pamamagitan ng pagtatanghal ng mga dulang sumasalamin at sumusuri sa iba’t ibang suliranin sa lipunan, sinisikap ng organisasyon na payamanin ang diskurso tungkol sa katarungan at katotohanan. Lagi’t lagi, inaalay ng ENTABLADO ang bawat pagtatanghal para sa pagmumulat ng tao, para sa pagtatanggol ng lansangan, para sa pagbubuo ng bayan, at para sa pagdakila sa Diyos. Dahil dito, nabibigyan ng pagkakataon ang mga miyembro na palawakin at palalimin ang kanilang kaalaman, hindi lamang pagdating sa sining at teatro, kung hindi pati na rin sa lipunang kinabibilangan.