[AGS] Linggo ng Palakasan
20 Nov 2023
Ang tema ng Sporting Awards Night ngayong taon ay "Tagumpay sa Bawat Hakbang: Pagpaparangal sa mga Kampeon ng Palakasan."
Ngayong Lingo ng Palakasan, ang tema ay nagbibigay pugay sa mga kampeon ng palakasan at nagtatampok ng kanilang mga tagumpay sa bawat hakbang ng kanilang paglalakbay. Binibigyang diin din nito ang kahalagahan ng pagsisikap, dedikasyon, at disiplina na kinakailangan upang magtagumpay sa palakasan. Pinararangalan din natin ang mga kampeon sa kanilang mga nagawa at pagbibigay inspirasyon sa maraming sumusunod sa kanilang mga yapak.
Sa ganitong pagpupunyagi, nagkakaroon tayo ng mas malawak na kaalaman at maigting na pagpapahalaga sa palakasan at pagkakaisa tungo sa pagkamit ng tagumpay.
Mensahe at disenyo mula sa Kagawaran ng Physical Education