[AGS] Buwan ng Wikang Pambasa
07 Aug 2023
Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa!
Ang tema ng ating pagdiriwang ngayong taon ay “Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan”. Ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), ang ating bansa ay may 130 wika kabilang ang Filipino Sign Language o FSL, at 40 rito ay mga wikang nanganganib o endangered. Ngunit sa kabila ng sari-saring wika, pinaalalahanan tayo na ang Filipino at mga katutubong wika ang siyang nagbibigkis sa atin bilang mga Pilipino at nagsisilbing kasangkapan sa ating pagsisikap na makabuo ng isang matiwasay at ligtas na lipunan. Sa ating pagkilala ng sari-saring katutubong wika, nabibigyang pagkakataon ang lahat na makapagpahayag at makapagbahagi sa pag-unlad ng ating bansa.
Patuloy nating gamitin ang wikang Filipino at mga katutubong wika.
Ipagdiwang ang pagiging Pilipino.
Isinulat ni Gng. Mary Jean Lagliva
Disenyo ni Gng. Ella Mara Melanie P. Donaire