[AGS] Buwan ng Kasaysayan
22 Aug 2023
Isang mapagpalang araw sa lahat!
Ipinagdiriwang natin ngayong Agosto ang Buwan ng Kasaysayan. Ang tema para sa taong ito ay may pamagat na, “Pagpapalaya ng Kasaysayan para sa Sambayanan.”
Nawa'y panatilihin nating buhay ang mga kuwento at aral ng nakaraan upang magsilbing gabay sa kasalukuyan at maging sa hinaharap. Ang pagkakaroon ng kamalayan sa kasaysayan ng Pilipinas ay makapagbibigay-daan tungo sa higit na pagpapahalaga ng pinagmulan ng ating lahi.
Ito ang angking yaman ng kasaysayan - sumasalamin ito sa ating pagkakilanlan. Nakapagbibigay ito ng hindi mapapantayang pananaw sa iba’t ibang usaping panlipunan sa paglipas ng panahon. Gamitin natin ito nang tama - pag-aralan at pagkuhanan ng inspirasyon.
Maligayang Buwan ng Kasaysayan!