Skip to main content

Main Secondary Navigation

  • About Ateneo de Manila
  • Schools
  • Research
  • Global
  • Alumni
  • News
  • Events

Main navigation

  • Learn & Grow
  • Discover & Create
  • Make an Impact
  • Campus & Community
  • Apply
  • Home >
  • News >
  • [Hot Off the Press] Angas? Mga Tula

[Hot Off the Press] Angas? Mga Tula

17 Mar 2025 | Ateneo University Press

Gender Equality
Reduced Inequalities
Angas? Mga Tula

Angas? Mga Tula, isang Interogasyon sa karanasan at kaharasan ng pagiging lalake

Ano ba ang ibig sabihin ng pagiging lalaki sa kasalukuyang panahon? Isang bagong aklat mula sa Ateneo University Press ang Angas? ni Paolo Tiausas na sinisiyasat  ang lalake, ang pagiging lalake, at ang pagkalalake—kabilang na ang mga kumplikadong karanasan at karahasan nito. 

Ang librong ito ay isang interogasyon ng sarili at kung paano siya naapektuhan at nakapaloob sa isang mundong pinaiiral ng patriyarkiya at toxic masculinity. Ipinapakita ng mga tula kung paano nakikipagbuno ang makata sa kahulugan ng pagkalalake at kung paano niya hinahanap ang sarili sa espasyo na ito sa pamamagitan ng mga retrato mula sa kanyang buhay—ang pagsasandigan sa ama, ang mga aral ng kabarkada’t kaklase sa all-boys’ high school, ang mga mi­na­ma­hal su­ba­lit hin­di masabi, ang mga sandaling hin­di matakasan ang panganib ng pagiging sa­ri­li. At sa puso ng koleksyon na ito ay ang tanong: Paano ilulugar ng lalake ang sarili sa karahasan ng kanyang angas at paano niya haharapin ang katambal nitong pagkaagnas?

Pinupuri ng makata at nobelista na si Edgar Calabia Samar ang lalim ng mga tula:  “Sinisipat ng Angas? ni Paolo Tiausas ang mga posibilidad ng paglalantad sa karahasan nang ‘tila lohikal, araw-araw, at karaniwan nang metamorposis’ lalo’t kabilang ka sa mga salarin—kung paano itataludtod ang mga maniobra ng alaala sa mga sanda-sandaling pagkapit sa mga pangngalang pantangi ng pambalanang karanasan ng pagkagumon sa mga kinamihasnang tagisan at kahungkagan ng lakas at kapangyarihan. Pagkatapos kong basahin ang mga tula, parang biglang hindi ako makakilos—pinagdududahan ang intensiyon ng bawat hakbang, may hilakbot kahit sa kaunting kibot, naghihilahan ang suntok at pakikipagkamay, hindi mapagkatiwalaan ang sariling katawan na isinilang na parang laging handang manakit at saktan—dahil napakaraming hayop sa daigdig na lumilikha sa isa’t isa ng tapang at kahinaan, dahil ‘ang kasaysayan ng pagkakamali / ay kasaysayan ng lalake,’ dahil natutunaw ang puso sa siyudad ng pananahimik, at kailangang isakdal ang mga ‘walang alintana sa nabibiyak nang lupa.’ Kuhang-kuha ni Tiausas ang salimuot ng pakikipagtuos ng lungkot sa himagsik dahil sa pagsasadlak sa atin ng daigdig bilang kasapakat sa gayon at gayon ding kasawian. Patunay ang koleksiyong ito na isa si Tiausas sa pinakamahahalagang tinig ng bagong henerasyon ng mga makata na tinitibag ang lahat ng yabang sa buhay at pagtula sa tuwing ‘may halimaw na namang nabuo sa pagkatao mo.’”

Ang Angas? ay para sa mga taong nais din siyasatin ang papel ng patriyarkiya at toxic masculinity sa pang-araw-araw nilang danas at upang makahanap sila ng paraan na makalaya sa mga kadena nito. 

Tungkol sa May-akda

Si Paolo Tiausas ang may-akda ng Tuwing Nag-iisa sa Mapa ng Buntong-hininga (University of the Philippines Press, 2021), na nagwagi bilang Best Book of Poetry in Filipino sa 40th National Book Awards. Noong 2021, pinarangalan siyang Makata ng Taón sa Talaang Gintô ng Komisyon sa Wikang Filipino. Noong 2024, lumahok siya sa Kyoto Writers Residency na ginanap sa Kyoto, Japan. Nagawaran na rin siya sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Patnugot siya ng TLDTD, isang online journal para sa mga tula at makatang Filipino.


Angas? Mga Tula

Angas? Mga tula ay inilathala ng Ateneo de Manila University Press sa ilalim ng Bughaw na imprint nito. Mabibili ito sa halagang PHP 495 at mahahanap ito sa Ateneo University Press Bookshop sa Bellarmine Hall, at sa aming opisyal na website, Shopee at Lazada stores.

 

Arts Languages and Literature Research, Creativity, and Innovation Administration Cluster
Share:

Recent News

Bending toward justice: A forum on the ICC, the Duterte Case, and victim participation

31 Mar 2026

[Hot Off the Press] Arkipelago

31 Mar 2026

Matthew General clinches gold at Excalibur Fencing Tournament

31 Mar 2026

Silver success for Belarmino at Wilson Epee Invitational

31 Mar 2026

From AGS to ASHS: Ateneo fencers haul 6 medals at 1st Estudio de Espada League

31 Mar 2026

Ethan Santos grabs bronze at Hampton Fencing Club’s 3rd Winter Cup

31 Mar 2026

Blue Eagle blades Santos and General grab gold in Young Musketeers meet

31 Mar 2026

Matthew General secures gold at Coach Benny Fencing Competition

31 Mar 2026

Bending Toward Justice: ALS Forum Examines the ICC, the Duterte Case, and Victim Participation

31 Mar 2026

Protecting Creativity: AIPO and Rizal Library Host Copyright Awareness Session for the Ateneo Community

31 Mar 2026

You may also like these articles

Arkipelago

31 Mar 2026

[Hot Off the Press] Arkipelago

New book from the Ateneo Press Arkipelago provides a fascinating and fantastical twist on Philippine politics and history Our country is an archipelago of stories

Copyright Awareness Session

31 Mar 2026

Protecting Creativity: AIPO and Rizal Library Host Copyright Awareness Session for the Ateneo Community

On March 18, 2026, the Ateneo Intellectual Property Office (AIPO), in collaboration with the Rizal Library, successfully conducted a Copyright Awareness Session held on the

Geloy Concepcion Exhibition 2026

30 Mar 2026

Things You Wanted to Say But Never Did: Geloy Concepcion’s six-year project makes Its exhibition debut at the Ateneo Art Gallery

Geloy Concepcion’s Things You Wanted To Say But Never Did comes to the Ateneo Art Gallery this 18 April 2026. After receiving almost 300,000 messages

Love If I'm Pretty

30 Mar 2026

[Hot Off the Press] Love If I'm Pretty

New YA Release from the Ateneo Press Love If I’m Pretty tackles the nuances of growing up through complex characters and straightforward prose What do

the end comes on without a gasp

30 Mar 2026

[Hot Off the Press] the end comes on without a gasp

the end comes on without a gasp: Trish Shishikura’s debut poetry collection arrives from Ateneo de Manila University Press (Bughaw) Ateneo de Manila University Press

2026 QS Subjects

25 Mar 2026

QS Subject Rankings 2026: Ateneo in top 100 for theology; ranked in 7 subject areas

Ateneo de Manila University is among the top institutions in seven subject areas, and among the top 100 for theological and religious studies, according to

Katipunan Avenue, Loyola Heights, Quezon City 1108, Philippines

info@ateneo.edu

+63 2 8426 6001

Connect With Us
  • Contact Ateneo
  • A to Z Directory
  • Social Media
Information for
  • Current Students
  • Prospective Students
  • International Students
  • Faculty & Staff
  • Alumni
  • Researchers & Visiting Academics
  • Parents
  • Donors & Partners
  • Visitors & Media
  • Careers
Security & Emergency
  • COVID-19
  • Campus Safety
  • Network & Tech
  • Emergency Management
  • Disaster Preparedness
Digital Resources
  • AteneoBlueCloud
  • Archium
  • Rizal Library
  • Ateneo Mail (Staff)
  • Ateneo Student Email
  • Alumni Mail
  • Branding & Trademarks
  • Data Privacy
  • Acceptable Use Policy
  • Report Website Issues
  • Ateneo Network
  • Philippine Jesuits

Copyright © 2022 Ateneo de Manila University. All rights reserved. | info@ateneo.edu | +63 2 8426 6001

Search