[AGS] Christmas 2025
15 Dec 2025
Sa pagdiriwang natin ng kapanganakan ni Hesus, tayo ay hinihikayat “Maging Liwanag at Pag-asa sa Isa’t Isa, at Magbigay Ligaya Ngayong Pasko.”
Ang tunay na diwa ng Pasko ay hindi lamang sa ningning ng mga dekorasyon at sa dami ng handa sa hapagkainan, kundi pati na rin sa bawat pagkakataon na makapag-abot tayo ng tulong at pag-asa. Ang mga simpleng kilos tulad ng pagiging tapat sa salita at gawa, maingat at responsable sa paggamit ng yaman, at pagpapakita ng kabutihan sa kapwa ay mga munting regalo na siyang nagbibigay liwanag at pag-asa sa bawat Pilipino. Sa pagbabahagi ng ating liwanag, mas lalo nating pinalalaganap ang ligaya at kapayapaang hatid ng Pasko.
Ngayong Kapaskuhan, bilang isang nagkakaisang komunidad ng Ateneo, manatili tayo sa pagmamahalan, pagbibigayan, at pagbabago tungo sa maunlad na kinabukasan.
Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon!
Isinulat ni G Harrison Andrei L Basilan
Disenyo ni Gng Ruby N Punay