[AGS] Paggunita sa EDSA People Power Revolution
23 Feb 2026
Ang EDSA People Power Revolution na ginugunita tuwing Pebrero 25 ay mahalagang paalala na nagawa nating mga Pilipino na ipaglaban ang ating mga karapatan laban sa pang-aabuso ng kapangyarihan. Dahil sa pagkakaisa, pananalig sa Diyos, at mapayapang pagkilos, naibalik ng mga Pilipino ang demokrasya sa ating bansa.
Ang tema ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA ay Laging Manalig, Patuloy na Magtaya.
Ngayon ang ika-40 taong paalala na hindi natatapos ang pakikipaglaban ng mga Pilipino lalo na’t patuloy ang katiwalian, kawalan ng pananagutan, at hindi pagkakapantay-pantay sa ating lipunan. Mula EDSA Revolution hanggang ngayon, manindigan at patuloy na manalangin para sa pag-asa ng magandang Pilipinas.
Tema mula sa Office of the Vice President for Mission Integration (OVPMI) at Ateneo Martial Law Museum and Library (AMLML)
Disenyo at akda ni Bb. Katrina Marcelino