[AGS] United Nations Week
20 Oct 2025
Isang makasaysayan at mapayapang araw sa lahat!
Building Our Future Together – ito ang tema ng United Nations ngayong 2025. Ito ay paalala na kahit iba-iba tayo ng bansa, wika, o kultura, dapat tayong magkaisa at magtulungan para sa kapayapaan at magandang kinabukasan.
Sa Pilipinas, may mga grupo ng kabataan na nagsisikap makibahagi sa solusyon para sa mga problema sa lipunan: ang pagtataguyod sa kalinisan ng kalikasan, ang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo at lindol, at ang pakikialam para sa pagkakaroon ng katarungan laban sa korapsyon.
Ngayong pagdiriwang ng United Nations, alalahanin natin na magsisimula sa kabutihan at katapatan ang tunay na pagbabago. Sa pamamagitan ng paggalang, pagtulong, at pagkakaisa, makabubuo tayo ng mapayapa, tapat, at maunlad na kinabukasan para sa lahat.
Inihanda ng Kagawaran ng Araling Panlipunan