[AGS] National Dental Health Month
06 Feb 2024
Sa Mababang Paaralan ng Ateneo, ang linggo ng 5-9 Pebrero ay inilaan para sa National Dental Health Week.
Ang tampok ngayong linggo ay “Pangalagaan ang ating ngipin gaya ng ating pangangalaga sa inang kalikasan”. Ito ay hango mula sa tema ng 20th Dental Health Month ng Philippine Dental Association. Ang kagawaran ng serbisyong pangkalusugan ay patuloy na ipinaaalam at inaangat ang kamalayan at kahalagahan ng mabuting oral hygiene sa komunidad.
Magkaugnay ang pangangalaga ng kalikasan at ating kalusugan. Ang malinis na kapaligiran ay magdudulot ng mahusay na pangangatawan. Hinihikayat ang lahat na maging responsable at pangalagaan ang ating kalusugan ng ngipin gayundin ang ating kapaligiran.
Bisitahin at tingnan ang mga nakapaskil na patalastas sa klinika ng AGS para sa mga kapakipakinabang na payo sa pagpapanatili ng ating magandang ngiti at kahalagahan ng regular na pagbisita sa iyong dentista.
Disenyo ng Health Services at isinulat ni Dr. Evelyn Ramos