Lenten Reflection: Right
20 Feb 2024
The idea of what’s right is common. The right time or timing for things to happen. The right measures which balance not having too much or too little. The right place which brings about the results we desire. Such concept of right certainly assumes there is what is wrong, inappropriate or unsuitable which can derail and worsen what may be good.
When it comes to our relationship with God, we may also have a sense of right. The right time or timing to approach Him is when we have problems we need help with or when we have nothing to be sorry about and can face Him without shame. The right measure is for us to do certain things, or say a certain number of prayers, so we will be forgiven and earn His love. The right place to encounter the Lord is only in a church or retreat houses. But these need not be true. If we look at Christ’s life which overflowed with sacrifice, forgiveness and compassion, there is no right time or measure or place for Him when it concerns us. The depth and breadth of His love embraces us whenever we are ready, whatever we have and wherever we choose to be with Him.
We need not concern ourself with what’s right when it comes to the Lord. For we have the right God who loves us in the right way. And that is more than enough. Perhaps we should only ask ourself these: How am I allowing Jesus to make things right for me? What can I do to open myself more to the graces of the Father? Which aspects of myself and my journey need His light?
Karaniwan ang ideya ng tama. Tamang pagkakataon o tiyempo para mangyari ang mga bagay-bagay. Tamang mga sukat na nagbabalanse upang hindi labis o kulang. Tamang pook na nagdudulot ng mga nais nating maganap. Ipinapalagay nitong konsepto ng tama na may mali, hindi angkop o hindi tugma na maaaring humadlang o magpasama sa mabuti.
Pagdating sa ugnayan natin sa Diyos, marahil mayroon din tayong diwa ng tama. Ang tamang pagkakataon o tiyempo para lumapit sa Kanya ay kapag mayroon tayong suliranin na nangangailangan ng tulong o kung wala tayong ihihingi ng tawad at wala tayong dahilan na mahiyang humarap sa Kanya. Ang tamang sukat ay ang gumawa tayo ng mga ilang bagay, o magsambit ng tumpak na bilang ng panalangin, upang mapatawad tayo at makuha natin ang Kanyang pagmamahal. Ang tamang pook para makatagpo ang Panginoon ay sa mga simbahan o retreat houses lamang. Subalit hindi totoo ang mga ito. Kung titingnan natin ang buhay ni Kristo na umaapaw sa pagsasakripisyo, pagpapatawad at pagmamalasakit, walang tamang panahon o sukat o pook para sa Kanya kaugnay sa atin. Niyayakap tayo ng lalim at lawak ng Kanyang pag-ibig kailanman tayo handa, anuman ang taglay natin at saanman natin piliing makapiling Siya.
Hindi tayo kailangang mag-alala sa ano ang tama kung ang Panginoon ang titingnan. Sapagkat mayroon tayong tamang Diyos na iniibig tayo sa tamang paraan. At higit pa ito sa sapat. Marahil nararapat lamang nating tanungin ang mga ito sa sarili: Paano ko pinahihintulutan si Hesus na gawing tama ang mga bagay-bagay para sa akin? Ano ang maaari kong gawin upang higit na maging bukas sa mga biyaya ng Ama? Aling mga bahagi ng aking pagkatao at paglalakbay ang nangangailangan ng Kanyang liwanag?
#aihlentenreflections #ateneoishome