Lenten Reflection: Rerouting
26 Feb 2024
Part of the usefulness and intelligence of navigation apps like Waze and Google Maps is when they reroute and find the way that can still lead us to our destination even when we get lost or make a wrong turn. While we may be delayed a bit, we can find assurance that we will still end up where we want to go. For sure, some of us wish that such a rerouting function or app can be availed of even in other aspects of our life.
And the truth is: we do have that. Not in the form of a high-tech invention or device but through the most fundamental and foundational essence of why we are here. Love and God. Because of Christ, we have been given a choice to reroute. From the compassion of the Father, we can turn around and change direction from sin and darkness. Despite the mistakes we may have made, we can find comfort that we can still end up in the destination we desire deep in our hearts.
This Lent gives us greater opportunities to reflect if we want to stay on the course of our own human follies or go on the path to salvation. Same with Waze ang Google Maps, we are not forced to follow where God is leading us to. But we can be certain that the Lord will always whisper to us ways we can reroute to go back into His embrace. And so we can ask ourselves: How have I strayed from my Creator? What are repeated temptations to turn away from His will and love? Where am I being led at this point in my life?
Bahagi ng silbi at husay ng mga navigation apps tulad ng Waze at Google Maps ay kapag nagre-reroute ang mga ito at naghahanap ng daan tungo sa ating patutunguhan kahit pa naligaw tayo o nakagawa ng maling pagliko. Bagaman maaantala tayo nang bahagya, may katiyakan na makararating pa rin tayo sa nais puntahan. At tiyak na mayroong ilan sa atin na nangangarap ng ganitong rerouting o app na maaaring magamit maging sa ibang bahagi ng ating buhay.
At ang katotohanan: mayroon naman nga tayong ganyan. Hindi isang high-tech na imbensyon o device ngunit sa pamamagitan ng pinaka-batayan at saligang diwa kung bakit tayo naririto. Pag-ibig at Diyos. Dahil kay Kristo, napagkalooban tayo ng pagkakataong pumili na mag-reroute o mag-ibang landas. Mula sa malasakit ng Ama, maaari tayong umikot at magpalit ng tinatahak mula sa kasalanan at karimlan. Sa kabila ng mga pagkakamaling maaari nating nagawa, makahahanap tayo ng kapanatagan na may pagkakataon pang humantong sa hangad natin sa kaibuturan ng ating puso.
Binibigyan tayo nitong Kuwaresma ng mga pagkakataon upang magnilay kung gusto ba nating manatili sa daan ng ating pangtaong kahinaan o baybayin ang landas tungo sa kaligtasan. Tulad ng Waze at Google Maps, hindi tayo pinipilit na sundan kung saan tayo itinuturo ng Diyos. Subalit makatitiyak tayo na laging bumubulong ang Panginoon sa atin ng mga paraan upang piliing muli ang patungo sa Kanyang yakap. Kung kaya maaari nating tanungin ang sarili: Paano akong napalayo at naligaw mula sa aking Tagapaglikha? Ano ang mga paulit-ulit na tukso na tumalikod sa Kanyang kalooban at pagmamahal? Saan ako ginigiya sa puntong ito ng aking buhay?
#aihlentenreflections #ateneoishome