Lenten Reflection: Wish Upon The Cross
01 Mar 2024
We are beings of desires. From the smallest ones like what we want to eat to deep yearnings such as the kind of life we long to have, we cannot help ourselves from wanting, aspiring and wishing. Perhaps that is why there are many tips on where we can express our hopes with a view of making them come true. Wish on a falling star. Wish on a four-leaf clover. Wish on an eyelash. Wish the first time you visit a church.
Nothing is too silly for us to do if we are holding desires in our heart. But we do not even have to go to great lengths to mention what we are hoping for. The cross is present, ready to receive our petitions and intentions. In fact, it already stands to symbolize that we have already been granted what we wish for, whether we say it or not: care, salvation, love. And when we approach the cross, we are not whispering our requests to inattentive and inanimate ears. For the Lord crucified always hears us and acts on our prayers in the best ways and in good time.
We can be bold with our desiring. We may also feel timid expressing what we want. Wherever and however we are, the Father understands. He knows what we hope for and provides for all that we need. So we can go ahead and wish upon the cross, with full assurance that we are heard and accepted. What do you desire at this point in your life? How can God help you in this journey? Where can He make a difference in you?
Tayo ay mga nilalang ng paghahangad. Mula sa pinakamaliliit na kagustuhantulad ng ano ang kakainin hanggang sa malalalim na pagnanais gaya nguri ng buhay para sa sarili, hindi natin mapigiling mag-asam,magmithi at mangarap. Marahil kaya maraming payo sa kung saan tayo maaaring magsambit ng mga pangarap at umasang matutupad ang mga ito.Sa bituin. Sa clover na may apat na dahon. Sa pilikmata. Sa unang pagbisita sa isang simbahan.
Wala tayong hindi gagawin kung may mga tinatanganan tayong pagnanais saating puso, kahit tila kahangalan pa ito. Subalit hindi tayo kailangang lumayo o magdusa upang sambitin ang ating mga hangad.Nariyan ang krus, na handang tumanggap ng ating mga petisyon at mithi. Katunayan, nakatayo ito bilang simbolo niyong ipinagkaloob nasa atin, nabigkas man natin o hindi: pagkalinga, pagliligtas, pag-ibig. At sa paglapit natin sa krus, hindi tayo bumubulong sa mga taingang hindi namamansin at walang buhay. Sapagkat laging nakikinig sa atin ang nakapakong Panginoon at ginagalawan ang ating mga panalangin sa pinakamainam na mga pamamaraan at sa tamang panahon.
Maaari tayong maging mapangahas sa ating paghahangad. Maaari rin tayong makadama ng hiya sa pagbigkas ng mga nais natin. Saanman tayo at anuman ang disposisyon natin, nauunawaan ito ng Ama. At batid Niya ang ating mga nasa at ipinagkakaloob Niya ang lahat ng ating mga pangangailangan. Kung kaya, sige lang, magsambit tayo ng mga mithi sa krus, na may buong katiyakan na dinidinig tayo at tinatanggap. Ano ang mga nais mo sa puntong ito ng iyong buhay? Paano ka matutulungan ng Diyos sa iyong paglalakbay? Saan Siya maaaring makagawa ng kaibhan sa iyo?
#aihlentenreflections #ateneoishome