Lenten Reflection: Thoughts, Visions and Words
05 Mar 2024
They say that when we often think of something, we may begin to see more of it around us – imagined or real. In addition, whether intentional or slips of the tongue, what occupies our minds can also come out in what we say. Perhaps that’s the power of the brain, that it can control us. At the same time, this can also reflect how cohesive and consistent we are as persons such that our thoughts become our vision and our words.
If we go back to the life of Jesus and the narrative of His passion, we will observe how this was also true for Him. His mind, and for sure even His heart, was filled with love: love of and from the Father, love for us. He was committed to speaking and bringing about His Father’s Kingdom. His vision and words always involved our salvation and healing. And even during times of pain and anger, there was never a moment when He let go of loving us and loving His Creator.
Perhaps we can never be as focused on God as how He has always been committed to us. But we can be more mindful of what occupies our mind which is expressed in what we notice and what we utter. What fills your vision and words? How do love and the Lord manifest in what you see and what you say? What may be clouding your thoughts, taking you away from what’s truly important?
May mga nagsasabing kung ano ang iniisipnatin, iyon ang nakikita natin – tunay man o imahinasyon lamang. Bukod dito, may pagmamalay man o nadudulas tayong masabi, ang laman ng ating diwa ay lumalabas din sa ating mga binibigkas. Marahil ito ang kapangyarihan ng isip,na pinanghahawakan tayo nito. Kaugnay rito, maaaring sinasalamin din nito kung paanong isang kabuuan tayo bilang tao kung kaya ang ating isipin ay nagiging pananaw at pananalita natin.
Kung babalikan natin ang buhay ni Hesus atang salaysay ng Kanyang pagdurusa, makikita natin na totoo rin ito sa Kanya.Puno ng pag-ibig ang Kanyang diwa, at maging ang Kanyang puso: pag-ibig ng Ama at mula sa Ama, pag-ibig para sa atin. Lubos ang Kanyang pagtataya sa pagsasalita ukol sa Kaharian ng Ama at sa pagsasakatuparan nito. Ang Kanyang pananaw at pananalita ay laging patungkol sa ating kaligtasan at paghilom. At maging sa mga panahon ng sakit at galit, hindi nawaglit sa Kanya ang pagmamahal sa atin at sa Kanyang Tagapaglikha.
Marahil hindi natin kailanman mapapantayan ang pagtuon sa atin ng Diyos. Subalit maaari tayong maging mas malay sa nilalaman ng ating isip na lumalabas sa ating pagtingin at pananalita. Ano ang iyong mga tinatanaw at sinasambit? Paano mo naipamamalas ang pag-ibig at ang Panginoon sa iyong mga nakikita at sinasabi? Ano kaya ang maaaring tumatabing sa iyong mga isipin, at naglalayo sa iyo sa tunay na mahalaga?
#aihlentenreflections #ateneoishome