Lenten Reflection: Punctuation Marks
06 Mar 2024
Punctuation marks, even when they seem so small, can make a big difference. For example, the invitation to have a meal with a loved one such as ‘Let’s eat, mom’ is very different from when we miss putting a comma and write ‘Let’s eat mom’. The level of certainty varies between a question mark and a period with ‘I like you’. And the message of ‘I’m sorry I love you’ compared to ‘I’m sorry; I love you’ can change the dynamics of one’s relationship.
When it comes to God and especially duringthis Lent, we can ask ourself what punctuation marks apply with some sentimentswe may have. Do we believe with a period – certainty – or a question mark –doubt? Can we put a comma when we address the Lord, signifying that we are ableto talk with Him directly? If we say ‘I love you’ to Him, does it come with anellipsis indicating conditions on what He must fulfill so that we will reallylove Him (‘I love you if…) or omissions because we trail off and hide certainthings from our Creator?
This time is a unique period inviting us tolook at how we look at God. Do we truly believe Jesus is our Savior? Can wetrust in the Father’s providence despite our questions? What do we sincerely wantto say to God? Just a few more weeks into the Lenten Season and so we hope thateven just a little, this year will make a difference in how we know ourself andhow we know our efficient and final Cause.
Bagaman tila maliliit, napakalaki ng kaibhan na maaaring magawa ng mga bantas. Halimbawa, ang paanyayang kumain kasama ng isang mahal sa buhay tulad ng ‘Let’s eat, mom’ ay ibang-ibang sa ‘Let’s eat mom’. Ang antas ng katiyakan sa pagsasabi ay makikita rin kung ang dulo ng ‘Gusto kita’ ay may tandang pananong o tuldok. At maaaring magpabago ng lagay ng ugnayan ang mensahe ng ‘Nagsisisi ako mahal kita’ kumpara sa ‘Nagsisisi ako; mahal kita’.
Pagdating sa Diyos at lalo na ngayongKuwaresma, maaari nating itanong sa sarili kung anong bantas ang kaugnayng ilan nating saloobin. Naniniwala ba tayo nang may tuldok – lubos at tiyak –o may tandang pananong – nag-aalinlangan at nagdududa? Maaari ba tayong maglagay ng kuwitkapag kinakausap ang Panginoon, na nagpapakita na kaya natin Siyang harapin attuwirang kausapin? Kung nagsasabi tayo ng ‘Mahal kita’ sa Kanya, may kasama baitong elipsis na naglalarawan ng mga nararapat Niyang tuparin para sa atinupang ibigin natin Siya nang lubos (Mahal kita kung…) o nagtatanda ngpagkaputol o pagkabitin ng ating sasabihin sapagkat may mga nililihim tayo mulasa ating Tagapaglikha?
Natatanging panahon itong mga araw na nag-aanyaya sa atin na tingnan ang ating pagtingin sa Diyos. Ganap ba ang ating paniniwala kay Hesus bilang ating Tagapagligtas? Maaari ba tayong magtiwala at maniwala sa Ama sa kabila ng ating mga tanong? Ano ang tunay na nais nating sabihin sa Diyos? Ilang linggo na lamang ang natitira rito sa Kuwaresma kung kaya nawa, kahit sa maliit na paraan, magkaroon ng kaibhan at paglalim ngayong taon ang ating pagkilala sa sarili at ang ating pagkilala sa ating Dahilan at Patutunguhan.
#aihlentenreflections #ateneoishome