AJHS celebrates Social Involvement Program Week from 18-22 March 2024
13 Mar 2024
Pastol, manggagamot, guro, kaibigan, at tagapagligtas. Maraming tungkulin na ginampanan ang ating Panginoon nang siya'y magkatawang-tao, subalit lahat ng ito ay nakaugat sa pagmamahal. Ang pagmamahal na ito ay Kanyang isinakatuparan sa paglilingkod kaninuman, lalo na sa higit na nangangailangan.
Sa darating na ika-18 hanggang ika-22 ng Marso ay gaganapin ang Social Involvement Program (SIP) Week ng AJHS na may temang PAGLILINGKURAN SINUMAN. Naglalayon ito na ipagbunyi at alalahanin ang ehemplo ni Hesus na ninanais tularan ng bawat isa sa iba’t-ibang pamamaraan ng pagiging Tao Para sa Kapwa.
Makibahagi sa pagdiriwang ng Social Involvement Program Week 2024 sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga inihandang gawain ng CSIP.
- SIP Week Advocacy Wall na magtatampok ng iba’t ibang adbokasiya na isinusulong ng CSIP
- PiliPinas Bazaar na magbibigay ng oportunidad sa lahat na bumili ng mga produktong gawang Pinoy at makilahok sa iba’t ibang uri ng adbokasiya at maglingkod sa ating kapwa
- Puno ng Paglilingkod kung saan maaaring ipaskil ang ating personal na pagkukusa at pagtindig na ginawa na o gagawin pa lamang
- SIP / St. Joseph Mass na magbubuklod sa atin bilang isang komunidad kasama ang mga katuwang sa pagpapatupad ng programa ng CSIP mula sa ating mga komunidad
Nawa ay maging daan ang mga gawaing ito upang maiparamdam at palawakin pa ang ating pagkakaisa sa pagsulong ng ating adhikaing maging ganap na tao para sa kapwa na walang tinitignang kulay, relihiyon, estado o katayuan sa buhay dahil tayo ay pantay-pantay sa mata ng Diyos at tinatawag na PAGLILINGKURAN SINUMAN!
#AJHSCSIP
#SIPweek2024
#PaglilingkuranSinuman