Lenten Reflection: Trending
13 Mar 2024
In this day and age when most of us areimmersed in social media and other online platforms, the word ‘trending’ is initself a trend. While not always indicative of those which are reallyimportant, what we see in most-searched and most-used lists can give a glimpseof what draws our attention and what may have significance to a certain degree.In the end, though, we still have to be able to see why certain things seem tomatter more than others and how come popularity and fame can be such a formulathat particular individuals can use very well to their advantage.
If Jesus were alive today, we can wonder if He would be trending. Or perhaps, not even to have to imagine such a scenario, we can ask if during this Season of Lent, He and His story catch our attention and occupy our life and thoughts. Does someone offering His life for those He considered dearest not merit notice? Isn’t this true love worth tweeting, blogging, posting and reading about? What else does God need to do in order for Him to be given the same, if not more, awareness as other things we deem worthy?
The reality is trends do come and go. Especially in this day and age when everything can change fast and yesterday’s big news can easily be in today’s trash, we have to be able to choose where we put our minds and hearts to. For our time and present self will not be forever. And so these questions may merit some pondering: What’s trending in your life right now? Where is God in what’s trending with you? How can you be more mindful of what’s truly essential and lasting?
Sa panahong ito kung kailan babad na babadtayo sa social media at iba pang online platforms, ang salitang ‘trending’mismo ay uso. Bagaman hindi nito laging inilalarawan kung ano ang mga tunay namahalaga, maaaring magbigay ng pagsilip sa ano ang nakatatawag ng ating pansinat ano ang may importansiya sa ilang kadahilanan ang mga nakikita natin sa mgatalaan ng mga pinaka-hinahanap at pinaka-ginagamit sa internet. Subalit sahuli, kinakailangan pa rin nating tingnan kung bakit tila mas matimbang angibang bagay at kung paanong ang kasikatan at katanyagan ay lubos na napakikinabanganng ilan.
Kung buhay si Hesus ngayon, maaari natingisipin kung magiging trending kaya Siya. O marahil, hindi na natin kailangangmaghiraya ng ganitong eksena sapagkat maaari na nating tanungin na sa panahongito ng Kuwaresma, nabibigyang-pansin at naaantig ba tayo sa Kanya at sa Kanyangsalaysay. Hindi ba karapat-dapat sa ating pagmamalay ang pag-aalay ng buhay ngisang tao para sa Kanyang mga tinatangi? Hindi ba sapat ang kahalagahan nitongtunay na pag-ibig upang i-tweet, i-blog, i-post at basahin? Ano pa angkinakailangang gawin ng Diyos upang bigyan natin siya ng katulad, kung hindiman higit, na pagtingin gaya ng ibang bagay na pinahahalagahan natin?
Realidad na nagpapalit-palit ang mga uso. Lalo na sa panahong ito na madaling magbago ang lahat at ang sikat na balita kahapon ay balewala na ngayong araw, kinakailangang marunong tayong pumili kung ano ang nilalaman ng ating isip at puso. Sapagkat ang oras at kasalukuyan nating sarili ay hindi panghabambuhay. Kung kaya marahil mahalagang pagnilayan itong mga tanong na ito: Ano ang uso at nangunguna sa buhay mo ngayon? Nasaan ang Diyos sa mga ito? Paano ka higit na magiging malay sa tunay na mahalaga at pangmatagalan?
#aihlentenreflections #ateneoishome