Lenten Reflection: Balance
19 Mar 2024
‘Balance’ may only be a seven-letter word but when taken seriously, can be very difficult to fulfill. From the simplest or playful tasks of balancing a tray full of food, finding the right tautness of a rubber band or maintaining a book on one’s head while walking straight to more important ones like providing equal time for work and family, finding a compromise for different persons in decision-making and allocating the right budget for all needs, good balance can be elusive. But it is necessary.
Jesus Himself navigated life, relationships and values. From narratives, we gather that He balanced time to be with His Father, to be alone and to be in the company of friends and acquaintances. We know from His very own prayer that He encouraged the invitation to humility and acceptance both in one’s own shortcomings as well as those of others when He said ‘forgive us our sins as we forgive those who sinned against us’. And we see Him weighing justice with compassion, experiencing pain and still allowing forgiveness, addressing concrete and urgent needs of the present while maintaining a view of what’s beyond.
Life may already be challenging enough and with the need to balance different facets of who we are, various responsibilities and desires, and several considerations at hand, it can become even more complicated. But we have a God who knows what we are going through. And more important than empathy, He has such deep love for us that bears the commitment to see us through our efforts, successes and even failures as we traverse our paths. As we reflect on these questions, may He remain a source of strength and reason to continue the many balancing acts we have to do: Which parts of yourself and your life do you need to give more attention to and consider further? What are imbalances that you may have at present? How can you deepen rootedness in those that are truly important?
Isang salitang may pitong titik lamang ang ‘balanse’ subalit kung seseryosohin ito, maaaring napakahirap nitong isakatuparan. Mula sa mga payak at mapaglarong gawain tulad ng pagbabalanse ng isang tray na puno ng pagkain, pagtantya ng tamang paghila sa goma o pagpapanatili ng isang aklat sa ulo samantalang naglalakad nang tuwid hanggang sa mga mas mahahalagang pagkilos tulad ng pagbibigay ng pantay na oras sa trabaho at pamilya, pagtitimbang sa pangangailangan ng iba-ibang tao pagdating sa pagpapasya at paglalaan ng tamang badyet para sa lahat ng pangangailangan, maaaring mapanghamon ang pagbabalanse. Subalit kinakailangan ito.
Si Hesus man ay nagtimbang din sa buhay, mga ugnayan at mga pagpapahalaga. Mula sa mga salaysay, nakita natin kung paano Niyang binalanse ang panahon sa Ama, sa pag-iisa at sa piling ng mga kaibigan at kakilala. Batid natin mula sa Kanya mismong panalangin ang panghihikayat Niya sa kababaang-loob at pagtanggap sa sarili mang pagkukulang at maging sa pagkakasala ng kapwa nang iniusal Niya ang ‘patawarin Mo kami sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa aamin’. At Nakita natin ang Kanyang pagtuon sa katarungang may malasakit, pagdanas sa sakit samantalang pinipili ang pagpapatawad, pagtugon sa mga malinaw at agarang pangangailangan sa kasalukuyan samantalang nakatanaw sa walang hanggan.
Marami nang hamon ang buhay at sa tawag ng pagbabalanse sa iba-ibang aspekto ng sino tayo, samut-saring mga responsibilidad at hangad, ilang mga nararapat isaalang-alang, maaaring mas nagiging kumplikado pa ito. Subalit mayroon tayong Diyos na batid ang ating pinagdaraanan. At higit na mahalaga sa pakikiisang ito, may malalim Siyang pag-ibig sa atin na nagtataya sa pag-antabay at pagsubaybay sa lahat ng ating pagsisikap, tagumpay at maging kabiguan samantalang tumatahak tayo sa ating landas. Sa pagninilay natin sa mga susunod na katanungan, nawa manatili Siyang bukal ng kalakasan at dahilan upang ipagpatuloy ang mga pagbabalanseng kailangan nating isagawa: Aling mga bahagi ng iyong sarili at buhay ang nararapat mong bigyan ng higit na pansin at pagsasaalang-alang? Ano ang mga taglay mong nagkukulang sa pagtitimbang? Paano mo mapapalalim ang iyong pag-uugat sa mga tunay na mahalaga?