Lenten Reflection: Last
25 Mar 2024
In basketball, the last two minutes of the game may be very exciting. For students, the last days of school are often a push and pull of activities: having lighter load from classes that already finished while rushing to meet a few more requirements in others, saying goodbye to the familiar and welcoming the new that’s next to come, having one foot in what’s current while already stepping into the future. Every new year’s eve, the last seconds of the outgoing year can be filled with much nostalgia and hope. Last things often have a different significance.
We are on the last week of Lent for 2024. If we follow Christ’s journey, this time reminds us of His last days. And if we allow ourself to believe and to be one with Him, we know that His lasts are our firsts. His last walk carrying the cross is our first experience of someone truly bearing our pains for us. His last words are our first witness and inspiration of what it means to be powerful and strong yet humble and kind. His last moments are our first, and only, pathway to salvation and heaven.
We know the story of His suffering and sacrifice, His pain and glory, His surrender and triumph. All of these were for us, His beloved. And in the end, up to His very last breath, we were first in Jesus’ eyes. We can then wonder and reflect on: When we get to our last moments, what life would we have lived? At present, what do we give for God? How many of our firsts, middles and lasts is the Lord included in?
Sa basketbol, maaaring nakakakaba ang dalawang huling minuto. Para sa mga mag-aaral, kadalasang kabig at hila sa iba-ibang gawain ang mga huling araw sa paaralan: mas magaan na ang mga klaseng natapos at naghahabol naman para sa iba pa, pagpapaalam sa mga nakasanayan na at pagbati sa bagong parating pa lamang, pananatili sa kasalukuyan at pag-apak tungo sa kinabukasan. Ang huling gabi ng kahit anong taon ay marahil puno ng pagbabalik-tanaw at pag-asa. May kakaibang kahalagahan ang mga huli.
Nasa huling linggo na tayo ng Kuwaresma para sa 2024. Kung sinusundan natin ang paglalakbay ni Kristo, ipinapaalala nitong panahon ang Kanyang mga huling araw. At kung tutulutan natin ang sarili na maniwala at makiisa sa Kanya, batid natin na ang Kanyang mga huli ay mga una sa atin. Ang huling lakad dala ang krus ay una nating karanasan ng isang taong tunay na nagpasan ng ating mga sakit para sa atin. Ang Kanyang mga huling salita ay una nating pagsilay at pagkahikayat sa anong kahulugan ng makapangyarihan at malakas subalit mababang-loob at mabuti. Ang Kanyang mga huling sandali ay una, at natatangi, nating landas tungo sa kaligtasan at kalangitan.
Batid natin ang salaysay Niya ng pagdurusa at pagsasakripisyo, ng sakit at kaluwalhatian, ng pagsuko at pagtatagumpay. Ang lahat ng ito ay para sa atin, ang Kanyang mga iniibig. Sa dulo, hanggang sa huli Niyang hininga, una pa rin tayo sa paningin ni Hesus. Kung kaya maaari nating pag-isipan at pagnilayan ang mga ito: Kapag humantong na tayo sa ating mga huling sandali, anong buhay ang ating pinili? Sa kasalukuyan, ano ang ipinagkakaloob natin para sa Diyos? Saan kabilang ang Panginoon sa marami nating una, gitna at huli?
#aihlentenreflections #ateneoishome