[AGS] National Book Week
17 Nov 2025
Tara na Atenista! Ating ipagdiwang ang “National Book Week” na may temang “Tulay ang Pagbasa sa Bukas na Puno ng Pag-asa” ngayong 17 hanggang 21 Nobyembre 2025. Sama-sama nating tuklasin ang kahanga-hangang mundo ng mga aklat at alamin kung paano nagiging tulay ang pagbasa tungo sa isang bukas na puno ng pag-asa, kaalaman, at tagumpay!
Ating kinikilala ang kapangyarihan ng pagbasa bilang tulay tungo sa mas maliwanag at mas makabuluhang kinabukasan. Pinapaalala rin sa atin na bawat aklat na ating binubuksan ay nagdadala ng pag-asa, karunungan, at inspirasyon.
Layunin ng National Book Week na hikayatin ang lahat ng mga mag-aaral na mahalin ang pagbabasa at kilalanin ang kahalagahan ng mga aklat sa pagpapalawak ng isipan, imahinasyon, at paghubog sa mabuting asal. Sa pamamagitan ng pagbabasa, natututo ang mga bata na mangarap, matuto at maging handa sa hinaharap na puno ng pag-asa.
Makiisa at makilahok sa mga iba’t ibang gawaing inihanda ng KEMC!
Tema mula sa opisyal na Facebook page ng National Book Week
Isinulat ni G Harrison Andrei L Basilan
Disenyo ni Gng Ruby Punay.