Skip to main content

Main Secondary Navigation

  • About Ateneo de Manila
  • Schools
  • Research
  • Global
  • Alumni
  • News
  • Events

Main navigation

  • Learn & Grow
  • Discover & Create
  • Make an Impact
  • Campus & Community
  • Apply
  • Home >
  • News >
  • 48th University Service Awards special features: Jocelyn Mendoza

48th University Service Awards special features: Jocelyn Mendoza

28 Feb 2026 | Jace Navarro

Image
jocelyn

Since 1978, Ateneo de Manila University has been honoring its employees with the University Service Awards, recognizing their dedication and commitment to the University’s mission. Now in its 48th year, the University Service Awards continue to celebrate employees from all units whose service contributes to the growth and strength of the Ateneo community.

We’re excited to introduce some of this year’s awardees, who will share their stories, favorite places on campus, and reasons for staying at Ateneo.

Meet Jocelyn of Ateneo Grade School and a 35-year service awardee.


Why Ateneo?

Kapag tinatanong ako, “Bakit Ateneo?” Ang sagot ko ay simple: naging tahanan ko ang Ateneo at sa paglipas ng mga taon,natagpuan ko hindi lamang isang lugar ng trabaho kundi isang pamilya. Itinuro sa akin ng Ateneo na mahalaga ang bawat papel— maging ako man ay isang kawani na tahimik na sumusuporta sa likod ng mga gawain .

Natutunan ko ang pagpapahalaga ng magis at cura personalis —na kahit maliit na gawain, kapag ginawa nang may pagmamahal,ay nagiging bahagi ng mas dakilang layunin. Hinubog ng Ateneo hindi lamang ang aking karera kundi pati angaking pagkatao. Itinuro nito sa akin ang kahalagahan — na ang ating trabaho ay hindi lamang para sa ating sarili, kundi para sa paglilingkod sa iba at sa komunidad. Natutunan ko na ang kahusayan ay hindi nasusukat sa mga parangal lamang kundi satapat na puso, malasakit sa kapwa, at walang sawang paglilingkod na ating isinasabuhay.

Sa gitna ng mga hamon at tagumpay, natutunan ko sa Ateneo na ang tunay na paglago ay nagmumula sa pagtitiyaga, at ang tunay na pamumuno ay nakaugat sa kababaang-loob at malasakit sa kapwa. Ang mga kaibigan, guro, at estudyanteng nakasama koay naging mahalagang bahagi ng aking paglalakbay.

Ateneo is my home, dahil dito ko natagpuan ang aking direksyon, ang aking komunidad, at ang inspirasyong nagtutulak sa akin na mamuhay nang may kabuluhan, kababaang-loob, at tunay na serbisyo.

What keeps you going?

Sa loob ng tatlumpu’t limang taon ng aking paglilingkod sa Ateneo, hindi lamang ako nakatanggap ng pagkakataong magtrabaho, kundi nakaranas din ako ng mga biyayang tunay na nakapagpabago ng buhay. Isa sa pinakamahalagang bagay na ipinagkaloob ng Ateneo ay ang mga benepisyo sa edukasyon at kalusugan.

Ang benepisyo sa edukasyon ay isang napakalaking biyaya para sa aking pamilya. Ngayon, ang aking anak ay nakakapag-aral sa kolehiyo dahil sa tulong na ito. Bilang isang magulang, walang mas hihigit pang kasiyahan kaysa sa makita ang sariling anak na nagkakaroon ng pagkakataong makamit ang kanyang mga pangarap. Ang Ateneo ay hindi lamang nagbigay ng suporta sa akin bilang kawani, kundi nagbukas din ng pintuan para sa mas maliwanag na kinabukasan ng aking anak.

Ang benepisyo naman sa kalusugan ay nagbigay sa akin ng kapanatagan—na anumang hamon sa kalusugan ay may kasamang suporta mula sa institusyon. Hindi ko kailanman naramdaman na nag-iisa ako, sapagkat naroon ang Ateneo upang tiyakin na may kasangga ako sa mga panahon ng pangangailangan.

Nanatili din ako dahil sa mga Headmaster, Administrador at mentor na nagbigay-inspirasyon at nagtiwala sa aking kakayahan, sa mga kasamahan na naging pamilya, at sa mga estudyanteng naging bahagi ng aking paglalakbay. Bawat araw ay may dalang hamon, ngunit may kaakibat ding pagkakataon upang matuto, maglingkod, at makapagbigay ng pagbabago. Kaya’t masasabi ko na ang aking pananatili sa Ateneo ay hindi lamang dahil sa trabaho, kundi dahil sa pakiramdam na ako at ang aking pamilya ay tunay na bahagi ng pamayanang ito. Ang Ateneo ay naging tahanan, kaagapay, at katuwang sa paghubog ng mas magandang kinabukasan para sa amin.

Favorite memory at work?

Habang binabalikan ko ang aking 35 taon ng paglilingkod sa Ateneo, napagtanto ko na ang aking mga paboritong alaala ay hindi lamang tungkol sa isang kaganapan, kundi sa napakaraming karanasan sa paglipas ng panahon. Naalala ko ang mga retreat — yaong tahimik na sandali ng pagninilay kung saan nagkaroon ako ng pagkakataong huminto, balikan ang aking paglalakbay, at mag-focus sa aking layunin. Nagbigay ito sa akin ng lakas at nagpapaalala kung bakit ako nanatili. Naalala ko rin ang mga educational field trip, na nagpapaalala sa akin na ang edukasyon ay nabubuhay sa pamamagitan ng mga karanasan. pagtuklas ng mga bagong lugar at ideyana nagbigay sa akin ng tuwa at nagpatibay sa akin ng kahalagahan ng aming gawain.

Malapit din sa aking puso ang mga outreach program. Nagbigay ito ng pagkakataon na makapaglingkod sa mga komunidad sa labas ng kampus, maibahagi ang misyon ng Ateneo sa malasakit at paglilingkod, at makita kung paanong ang maliliit na gawa ng kabutihan ay nagdudulot ng malaking pagbabago sa buhay ng iba. Ipinaalala nito sa akin ang misyon ng Ateneo sa kapwa.

Hindi ko malilimutan ang napakaraming aktibidad sa paaralan — mula sa mga fair, pagdiriwang, sportsfest, hanggang sa mga kultural na programa — kung saan ang halakhak, pagtutulungan, at pagkamalikhain ay laging nangingibabaw. Ang mga acquaintance party, Christmas party, at maging ang mga birthday celebration na may temang kasuotan ay nagbigay ng kasiyahan at higit pang nagpatibay ng samahan sa aming komunidad. Ang

bawat kaganapan ay nagsilbing pagkakataon upang mas mapalalim ang ugnayan, maipakita ang pagkakaisa, at maitaguyod ang matibay na pagkakaibigan. Sa mga sandaling iyon, higit kong naramdaman na ang Ateneo ay hindi lamang isang lugar ng trabaho, kundi isang tunay na tahanan na nagtataguyod ng pamilya at pagkakapatiran. 

Pinahahalagahan ko rin ang mga pagkakataong kabahabi ang mga kawaani sa paghahanda para sa PAASCU Accreditation and JBEC gatherings, at Fiesta celebrations. Ang mga araw puno ng trabaho, sabayang pagkain, at pagtutulungan ay nagpakita ng dedikasyon at passion ng komunidad ng Ateneo ngunit napakasarap sa pakiramdam dahil ang lahat nagtutulungan para sa katuparan ng isang mas malaking layunin.

At siyempre, hindi ko rin malilimutan ang mga seminar at training na aking nadaluhan sa paglipas ng mga taon. Nagbigay ang mga ito ng pagkakataon upang matuto ng mga bagong kasanayan, umunlad nang propesyonal, at magbahagi ng kaalaman na nakapagpayaman hindi lamang sa aking trabaho kundi maging sa komunidad na aking pinaglilingkuran. Ang mga alaala na ito ay espesyal dahil higit pa sila sa mga kaganapan; sila ay mga tanda ng paglago, paglilingkod, at pakikipagkapwa tunay nga bawat taon sa Ateneo ay puno ng kabuluhan, paglago, at kagalakan.

Favorite spot on campus

Isa sa aking paboritong lugar sa Ateneo Grade School ay ang Chapel of the Holy Guardian Angles. Para sa akin, ito ay higit pa sa isang kapilya — ito ang tahanan ng aking pasasalamat at panalangin. Ang AGS Chapel ay naging saksi sa aking mga panalangin, sa aking mga pag-aalinlangan, at sa aking mga pasasalamat. Ito ang lugar kung saan ako humuhugot ng inspirasyon upang magpatuloy, at kung saan ko nararamdaman ang malalim na ugnayan sa komunidad at sa Diyos. Kaya’t para sa akin, ito hindi lamang isang lugar ng pagsamba, kundi isang banal na kanlungan na patuloy na nagbibigay-lakas, pag-asa, at direksyon sa aking paglilingkod.

Naalala ko pa noong unang araw ko sa Ateneo, dito ako dumaan bago pumunta sa department kung saan ako na-assign. Sa tahimik na pag-upo, naaalala ko na ang aking trabaho ay hindi lamang para sa Ateneo kundi para sa Diyos, at ang pananaw na iyon ang nagpapanatili sa akin sa tamang landas.

Most important lesson you’ve learned?

Sa aking mahabang paglilingkod sa Ateneo Grade School, natutunan ko na ang pinakamahalagang aral ay ang kahalagahan ng pananampalataya, paglilingkod, at pagmamahal sa kapwa. Ang bawat araw ay nagpaalala sa akin na ang tunay na tagumpay ay hindi nasusukat sa dami ng nagawa o sa haba ng pananatili, kundi sa kung paano mo naibahagi ang iyong sarili sa iba, sa pagiging mapagpakumbaba, at sa pagiging tapat sa institusyong pinaglilingkuran.

Natutunan ko rin na ang pagtutulungan at pakikipagkapwa ay pundasyon ng isang masiglang samahan. Kapag sama-sama, mas nagiging magaan ang bawat hamon, at mas nagiging makabuluhan ang bawat tagumpay. Sa mga oras ng pagod at hirap, ang pagkakaisa ng mga kasamahan ay nagsilbing lakas upang magpatuloy.

Ang Ateneo ay nagturo sa akin na ang trabaho ay hindi lamang tungkulin, kundi isang misyon ng paglilingkod na nakaugat sa pananampalataya, malasakit, at pagmamahal.

Salamat ATENEO!

General Interest Milestones & Recognition Grade School
Share:

Recent News

Bending toward justice: A forum on the ICC, the Duterte Case, and victim participation

31 Mar 2026

[Hot Off the Press] Arkipelago

31 Mar 2026

Matthew General clinches gold at Excalibur Fencing Tournament

31 Mar 2026

Silver success for Belarmino at Wilson Epee Invitational

31 Mar 2026

From AGS to ASHS: Ateneo fencers haul 6 medals at 1st Estudio de Espada League

31 Mar 2026

Ethan Santos grabs bronze at Hampton Fencing Club’s 3rd Winter Cup

31 Mar 2026

Blue Eagle blades Santos and General grab gold in Young Musketeers meet

31 Mar 2026

Matthew General secures gold at Coach Benny Fencing Competition

31 Mar 2026

Bending Toward Justice: ALS Forum Examines the ICC, the Duterte Case, and Victim Participation

31 Mar 2026

Protecting Creativity: AIPO and Rizal Library Host Copyright Awareness Session for the Ateneo Community

31 Mar 2026

You may also like these articles

Arkipelago

31 Mar 2026

[Hot Off the Press] Arkipelago

New book from the Ateneo Press Arkipelago provides a fascinating and fantastical twist on Philippine politics and history Our country is an archipelago of stories

Copyright Awareness Session

31 Mar 2026

Protecting Creativity: AIPO and Rizal Library Host Copyright Awareness Session for the Ateneo Community

On March 18, 2026, the Ateneo Intellectual Property Office (AIPO), in collaboration with the Rizal Library, successfully conducted a Copyright Awareness Session held on the

Close up of University seal and logo at Xavier Hall

31 Mar 2026

Holy Week 2026 Holidays (Memo # UHR2526-038)

Memo # UHR2526-038 31 March 2026 TO: All Employees FROM: [Sgd] Maria Victoria T Cortez, PhD Vice President for University Human Resources SUBJECT: Holy Week

ASOG’s Tobacco Control initiatives spotlighted in DOH National Technical Working Group for Tobacco Prevention and Control

31 Mar 2026

ASOG’s Tobacco Control initiatives spotlighted in DOH National Technical Working Group for Tobacco Prevention and Control

On March 10 to 12, 2026, the Ateneo School of Government (ASOG), through its research and public policy unit, the Ateneo Policy Center, participated in

Geloy Concepcion Exhibition 2026

30 Mar 2026

Things You Wanted to Say But Never Did: Geloy Concepcion’s six-year project makes Its exhibition debut at the Ateneo Art Gallery

Geloy Concepcion’s Things You Wanted To Say But Never Did comes to the Ateneo Art Gallery this 18 April 2026. After receiving almost 300,000 messages

Love If I'm Pretty

30 Mar 2026

[Hot Off the Press] Love If I'm Pretty

New YA Release from the Ateneo Press Love If I’m Pretty tackles the nuances of growing up through complex characters and straightforward prose What do

Katipunan Avenue, Loyola Heights, Quezon City 1108, Philippines

info@ateneo.edu

+63 2 8426 6001

Connect With Us
  • Contact Ateneo
  • A to Z Directory
  • Social Media
Information for
  • Current Students
  • Prospective Students
  • International Students
  • Faculty & Staff
  • Alumni
  • Researchers & Visiting Academics
  • Parents
  • Donors & Partners
  • Visitors & Media
  • Careers
Security & Emergency
  • COVID-19
  • Campus Safety
  • Network & Tech
  • Emergency Management
  • Disaster Preparedness
Digital Resources
  • AteneoBlueCloud
  • Archium
  • Rizal Library
  • Ateneo Mail (Staff)
  • Ateneo Student Email
  • Alumni Mail
  • Branding & Trademarks
  • Data Privacy
  • Acceptable Use Policy
  • Report Website Issues
  • Ateneo Network
  • Philippine Jesuits

Copyright © 2022 Ateneo de Manila University. All rights reserved. | info@ateneo.edu | +63 2 8426 6001

Search