48th University Service Awards special features: Rommel Acay
18 Feb 2026
Since 1978, Ateneo de Manila University has been honoring its employees with the University Service Awards, recognizing their dedication and commitment to the University’s mission.
Now in its 48th year, the University Service Awards continue to celebrate employees from all units whose service contributes to the growth and strength of the Ateneo community.
We’re excited to introduce some of this year’s awardees, who will share their stories, favorite places on campus, and reasons for staying at Ateneo.
This is Rommel Acay, a fifteen-year service awardee from the Central Facilities Management Office.
Bakit Ateneo?
Sa Ateneo, nabigyan ako ng pagkakataong magkaroon ng regular na trabaho. Ito ay bunga ng aking pagsisikap, kasipagan, at pagtitiyaga sa pagtatrabaho. Malaki ang pasasalamat ko sa Ateneo dahil binigyan ako ng pagkakataong patunayan ang aking kakayahan at patuloy na maglingkod sa pamantasan.
Ano ang dahilan sa iyong pagpapatuloy?
Ang patuloy na nagbibigay sa akin ng lakas ng loob at motibasyon sa trabaho ay ang hangaring mabigyan ng maayos at disenteng buhay ang aking pamilya. Sila ang aking inspirasyon sa araw-araw upang magtrabaho nang tapat at buong husay.
Paboritong alaala sa trabaho?
Ang paborito kong alaala sa trabaho ay ang mga bagong gawain na aking natutunan. Sa bawat bagong task, nagkakaroon ako ng dagdag na kaalaman, bagong kakilala, at bagong kaibigan. May mga trabahong hindi ko inakalang kaya kong gawin, tulad ng pag-aayos ng aircon, na nagbigay sa akin ng kumpiyansa sa sarili at pagmamalaki sa aking kakayahan.
Paboritong lugar sa campus?
Halos lahat ng bahagi ng campus ay paborito ko dahil sa aking trabaho. Bilang bahagi ng aircon, plumbing, at welding department, nagkakaroon ako ng pagkakataong malibot at makilala ang buong Ateneo, kaya’t bawat lugar ay may sariling halaga at kuwento para sa akin.
Pinakamahalagang natutunan?
Ang pinakamahalagang aral na aking natutunan ay ang matutong makinig at makisama sa kapwa empleyado at sa mga namumuno. Mahalaga ang respeto at magandang samahan upang magampanan nang maayos ang ating mga tungkulin. Higit sa lahat, natutunan kong mahalin ang aking trabaho, dahil dito nagmumula ang kasiyahan at tagumpay sa araw-araw.