Huwag palampasin: “Ang Negosyante ng Venesya” ng AJHS Teatro Baguntao
10 Mar 2026
Ngayong Marso hanggang Abril, 2026, itatanghal ng AJHS Teatro Baguntao ang isa sa mga komedya ni William Shakespeare: The Merchant of Venice, salin sa Filipino na Ang Negosyante ng Venesya ng Pambansang Alagad ng Sining, Rolando Tinio.
Tunghayan kung paanong mapapahamak ang buhay ni Antonio, isang Venesyanong negosyante, dahil sa hindi niya mabayaran ang tatlong libong dukadong utang sa isang taong hinamak niya buong buhay niya, ang Hudyong si Shylock.
Batay sa kontratang pinirmahan nila, nararapat na bayaran ni Antonio si Shylock ng isang librang laman na tatabtabin sa dibdib ni Antonio. Panoorin kung paano haharapin ni Antonio ang paninindigan ni Shylock na matamo ito sa ngalan ng paghihiganti, at pagkilala sa batas.
Gaganapin ang pagtatanghal sa Hayes Hall, Ateneo Junior High School.
Ang araw ng mga palabas ay sa 19 Marso, 7-8 at 10 Abril, 5PM. At 21 Marso, at 11 Abril, 2PM at 6PM.
200 pesos ang halaga ng isang tiket.
Para sa pag-order ng tiket, maaaring umorder sa link na ito.
https://forms.gle/Y4ktTTQ8trdtpSVR6
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring sumangguni sa Facebook at Instagram page ng AJHS Teatro Baguntao.
IG: @ajhstbt