Pagtataas ng Watawat: Pagpupugay sa Wika, Kultura, Kasaysayan, at Bayan
15 Aug 2025 | Employee Engagement Section
Noong Lunes, 11 Agosto 2025, muling nagsama-sama ang mga empleyado sa Xavier Car Park para sa makabuluhang Pagtataas ng Watawat, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Araw ng mga Bayani.
Mula sa masiglang pag-awit ng Lupang Hinirang hanggang sa taimtim na panunumpa sa watawat, damang-dama ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahal sa bayan. Suot ang kulay Bughaw, Pula, Dilaw, at Puti at ang ilan ay nakapambihis pa ng kasuotang Pilipino, ipinakita ng lahat ang kanilang pagmamalaki sa ating kultura at kasaysayan. Sama-sama ring inawit ang Pilipinas Kong Mahal bilang marangal na pagtatapos ng seremonya.
Sinundan ito ng palarong likas sa atin na nagpasigla sa umaga at simpleng almusal na pinagsaluhan ng lahat. Sa ganitong pagtitipon, higit nating pinatatatag ang ating ugnayan bilang komunidad — hindi lamang bilang magkatrabaho, kundi bilang mga Pilipinong may malasakit at pagmamahal sa bayan. Patuloy tayong magpugay sa ating watawat at ipagmalaki ang ating pagka-Pilipino — sa puso, sa salita, at sa gawa.
Mabuhay ang Wikang Filipino!
Mabuhay ang ating mga bayani!
Mabuhay ang Pilipinas!
Patuloy tayong magpugay sa ating watawat at ipagmalaki ang ating pagka-Pilipino — sa puso, sa salita, at sa gawa.
Mula sa Pangkat ng Employee Engagement na kabilang sa Tanggapan ng Vice President for University Human Resources, taos-pusong pasasalamat sa lahat ng dumalo at nakibahagi sa pagtitipon na ito.