[AGS] Buwan ng Kasaysayan
18 Aug 2025
Makasaysayang araw sa lahat! Ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Kasaysayan ngayong taon sa temang Diwa ng Kasaysayan sa Kabataan mula sa National Historical Commission of the Philippines.
Kasaysayan, Kabataan. History, Youth. Bilang mga kabataan, mahalagang alamin natin ang kasaysayan upang matuto tayo sa magaganda at ‘di magagandang pangyayari. Sa ganitong paraan, maaari tayong makatulong sa pagbuo ng mas magandang kinabukasan. Tulad ng mga batang bayaning lumaban para sa Pilipinas, gamitin natin ang ating talino at talento sa paggawa ng mabuti para sa ating bansa. Ayon nga sa ating bayaning si Jose Rizal: “Kabataan, kayo ang pag-asa ng bayan!” Pag-aralan ang kasaysayan upang maitaguyod ang pagbabago at pagpapabuti ng Pilipinas.
Maligayang Buwan ng Kasaysayan sa ating lahat!
Poster mula sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Inihanda ng Kagawaran ng Araling Panlipunan at ni Gng Ruby Punay