Skip to main content

Main Secondary Navigation

  • About Ateneo de Manila
  • Schools
  • Research
  • Global
  • Alumni
  • News
  • Events

Main navigation

  • Learn & Grow
  • Discover & Create
  • Make an Impact
  • Campus & Community
  • Apply
  • Home >
  • News >
  • Pahayag ng Paninindigan hinggil sa Isyung Unfair Labor Practice (ULP) kaugnay ng Work Rotation Program at mga Hakbang Pandisiplina sa mga Opisyal at Kasapi ng AEWU

Pahayag ng Paninindigan hinggil sa Isyung Unfair Labor Practice (ULP) kaugnay ng Work Rotation Program at mga Hakbang Pandisiplina sa mga Opisyal at Kasapi ng AEWU

28 Oct 2025

Decent Work and Economic Growth
Peace, Justice and Strong Institutions

Read statement in English


Noong Oktubre 23, 2025, naghain ang Ateneo Employees and Workers Union (AEWU) ng Notice of Strike dahil sa umano’y Unfair Labor Practice (ULP) na isinagawa ng Pamantasan.

Paninindigan ng Pamantasan

Mariing itinatanggi ng Pamantasan ang alegasyong inihain ng Ateneo Employees and Workers Union (AEWU) na may naganap umanong Unfair Labor Practice (ULP) kaugnay ng mga ipinatupad na hakbang pandisiplina sa AEWU President, Vice President, iba pang opisyal, at ilang kasapi ng Unyon.

Ang mga hakbang pandisiplina ay hindi paraan ng pagganti o panghihimasok sa lehitimong gawain ng Unyon, at hindi rin lumalabag sa anumang probisyon ng Collective Bargaining Agreement (CBA).

Ang mga parusa ay ipinatupad matapos ang maayos na proseso at batay sa mga napatunayang paglabag sa mga patakaran ng Pamantasan — partikular na ang sadyang pagsuway sa utos, kawalan ng pakikiisa sa mga lehitimong direktiba, at pagsasagawa ng mga aktibidad na walang pahintulot sa oras ng trabaho — mga paglabag na nakakaantala sa operasyon ng pamantasan at sumasalungat sa mga itinatakdang alituntunin ng pamunuan.

Pinaninindigan ng Pamantasan na ang CBA na pinasok nito kasama ang AEWU ay hindi nagbibigay ng anumang pagbubukod sa mga opisyal o kasapi ng unyon mula sa pagsunod sa mga patakaran ng pamantasan at sa pananagutan sa anumang paglabag na kanilang magagawa.


Rasyonal at mga Layunin ng Work Rotation Program

Ang Work Rotation Program ay isang programang nakatuon sa development at capacity building na ipinatutupad sa loob ng Housekeeping Services Section (HSS) ng Custodial Services Group ng Central Facilities and Management Office (CFMO).
Layunin nitong paigtingin ang flexibility, pataasin ang morale, at paunlarin ang propesyonal na kakayahan ng mga empleyado.
Mahalagang bigyang-diin na hindi ito isang parusang hakbang, kundi isang paraan upang mapaunlad ang karanasan at kakayahan ng mga kawani.

Noong Abril 17, 2024, nagsagawa ng konsultasyon ang mga administrador kasama ang mga miyembro ng HSS (lahat ay kasapi ng AEWU). Sa pagpupulong na ito, tinalakay ang mga sumusunod na paksa:

  • Pangkalahatang impormasyon tungkol sa rotation
  • Mga isyung nais tugunan ng programa
  • Mga layunin, mekanismo, at iskedyul ng pagpapatupad
  • Inaasahang resulta at kung paano mapapanatili ang mga ito
  • Mga benepisyo sa empleyado (“Ano ang mapapala ko rito?”)

Layunin ng Rotation Program

  • Mas malawak na karanasan at kakayahan ng mga empleyado
  • Mas mataas na motibasyon at kasiyahan sa trabaho
  • Mas matatag na teamwork at pagkilala sa lakas ng bawat isa
  • Pagsulong ng well-being at pag-iwas sa burnout
  • Pagpapahusay ng flexibility at capacity building
  • Mas maayos na placement at pag-optimize ng performance
  • Succession planning at workforce development

Noong Mayo 31, 2024, nagkaroon ng pormal na pag uusap sa pagitan ng mga administrador ng CFMO at mga opisyal ng Unyon, sa presensya ng UHROSS bilang tagapamagitan. Sa pagpupulong na ito, sumang-ayon ang Unyon na sundin ang rotation program, kahit na idineklara nila ito bilang “under protest.”

Sa madaling sabi, nagkaroon ng malinaw na konsultasyon at pagkilala sa programa bago ito ipinatupad.

Buod ng mga Pangyayari

  • Marso–Abril 2024: Nagsagawa ng mga konsultasyon at patas na drawlots para sa pantay na assignment. Pinayagan ding mag-usap at magkasundo ang mga kasamahan sa zone kung sino ang lilipat.
  • Abril 17, 2024: Isinagawa ang orientation at buong pagpapaliwanag sa lahat ng staff.
  • Mayo 31, 2024: Nagpulong ang AEWU at CFMO kasama ang UHROSS; sumang-ayon ang unyon na sumunod under protest.
  • Agosto 21–29, 2024: Nagsagawa ng stakeholder roadshows at recap sessions; inilabas ang Phase 1 Rotation Memo.
  • Setyembre 2–7, 2024: Nagsagawa ng walkthroughs at shadowing sessions (na may overtime pay para sa mga lumahok).
  • Setyembre 5, 2024: Nagsagawa ang AEWU officers at ilang miyembro ng mga pagpupulong ng walang pahintulot sa oras ng trabaho.
  • Setyembre 9, 2024: Pormal na sinimulan ang rotation program. Limampu’t isang (51) maintenance personnel ang tumangging sumunod. Kinahapunan, nagsumite ang AEWU ng liham ng pagtanggap “with reservation.”
  • Setyembre 10, 2024: Naghain ang AEWU ng grievance hinggil sa rotation program, na kinilala ng UHROSS.
  • Setyembre 16–18, 2024: Ipinadala ang mga Notice of Charge (NOC) sa 51 empleyado na hindi sumunod sa unang araw ng rotation.
  • Oktubre 28, 2024: Ipinadala ang mga NOC sa ibang petsa kaugnay ng insidente noong Setyembre 5 (ang hindi awtorisadong pagpupulong).

Mga Resulta ng Imbestigasyon at mga Kaukulang Hakbang

Insidente noong Setyembre 9 (Unang Araw ng Rotation)

  • 51 empleyado ang napatunayang nagkasala ng insubordination at willful disobedience.
  • 50 sa kanila ay nasuspinde ng 6 na araw (pinababa bilang konsiderasyon sa makataong dahilan).
  • 1 ay nasuspinde ng 16 na araw dahil sa paglabag sa naunang pangakong susunod sa rotation.

Insidente noong Setyembre 5 (Hindi Awtorisadong Pagpupulong)

  • 48 kawani na hindi opisyal ng unyon ang kinasuhan ng loitering at pagsasagawa ng pagpupulong na walang kinalaman sa trabaho.
  • Ibinasura ang kaso laban sa 18.
  • 30 ang napatunayang may sala (27 na suspinde ng isang araw; 3 binigyan ng pormal na babala).

Para sa mga Opisyal ng Unyon

  • Ang mga parusa ay mula 1 hanggang 10 araw na suspensyon dahil sa pagsasagawa ng pagpupulong ng walang pahintulot sa oras ng trabaho.
  • May umiiral na proseso sa paghingi ng permiso para magsagawa ng mga pagpupulong, at ito ay karaniwang sinusunod ng unyon hanggang sa insidenteng ito.

Lahat ng ipinataw na parusa ay dumaan sa maayos na proseso — may mga nakasulat na abiso, pagdinig, at pormal na desisyon — alinsunod sa Employee Code of Discipline. 

Inayos din ang iskedyul ng ilang suspensyon upang mapayagan ang paggamit ng Union Leave ng ilang empleyadong naapektuhan

Mga Natuklasang Administratibo at mga Kaukulang Aksyon

Insidente noong Setyembre 9 (Unang Araw ng Rotation)

Mga Paglabag: pakikilahok sa sabotage, insubordination, at willful disobedience

Matapos ang imbestigasyon, 51 maintenance personnel ang napatunayang nagkasala ng insubordination at willful disobedience.

  • 50 empleyado ang pinatawan ng six-day suspension, na pinaikli sa batayang makatao.
  • Isang empleyado ang pinatawan ng sixteen-day suspension dahil sa paglabag sa naunang pangakong susunod sa direktiba ng rotation.

Insidente noong Setyembre 5 (Hindi Awtorisadong Pagpupulong / Konsultasyon)

Mga Paglabag: loitering, pagtugon sa personal na gawain sa oras ng trabaho, at pagsasagawa o pagdalo sa mga pulong na walang kinalaman sa trabaho nang walang pahintulot mula sa pinuno ng yunit

Kabuuang 48 empleyado na hindi opisyal ng Unyon ang kinasuhan ng loitering at pagsasagawa ng hindi awtorisadong pagpupulong sa oras ng trabaho.

  • Ibinasura ang kaso laban sa 18 empleyado.
  • 30 empleyado ang napatunayang may sala — 27 ang nasuspinde ng isang araw, at 3 ang binigyan ng formal warning.

Pagpaparusa sa mga Opisyal ng Unyon

Ang mga opisyal ng Unyon ay pinatawan ng suspensyon mula 1 hanggang 10 araw dahil sa pagsasagawa ng hindi awtorisadong pagpupulong sa oras ng trabaho.

May malinaw na mga protocol sa paghingi ng pahintulot upang magsagawa ng mga pagpupulong, at ito ay matagal nang sinusunod ng Unyon hanggang sa insidenteng ito.

Lahat ng suspensyon ay ipinataw matapos ang ganap na pagsunod sa due process — kabilang ang mga nakasulat na abiso, pagdinig, at pormal na desisyon — alinsunod sa Employee Code of Discipline.

Ang iskedyul ng ilang suspensyon ay inayos upang mabigyang-daan ang paggamit ng Union Leave ng mga empleyadong nasanction.

Mga Natuklasan

Batay sa mga ebidensya, napatunayan na:

  • Ang Work Rotation Program ay maayos na binuo at malawak na naipaliwanag.
  • Bago ito ipinatupad noong Setyembre 2024, nakonsulta ang AEWU noong Mayo 2024 at sumang-ayon silang makibahagi sa programa, bagaman under protest.
  • Ang mga kaukulang aksyon ay ibinatay sa sariling kilos ng pagsuway at paglabag sa patakaran, hindi sa pagiging kasapi o opisyal ng Unyon.
  • Sinunod at patuloy na sinusunod ang due process sa lahat ng yugto ng proseso.
  • Ang mga parusa ay katumbas at patas sa bigat ng mga paglabag.

Dahil dito, naninindigan ang Pamantasan na ang mga hakbang nito ay makatuwiran, naaayon sa batas, at hindi maituturing na Unfair Labor Practice (ULP).

Tungkol sa Notice of Strike at sa Pang-aabuso sa Proseso

Ang AEWU President at Vice President ay kapwa nag padala ng kanya-kanyang letter of appeal hinggil sa kanilang mga parusa sa University President. Ang dalawang liham ay parehong may petsang Oktubre 21, 2025 at natanggap noong Oktubre 22, 2025. Kinabukasan, Oktubre 23, 2025, habang naka-Union Leave with Pay upang dumalo sa isang seminar tungkol sa unyonismo, naghain ng Notice of Strike sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang AEWU President.

Kinikilala at iginagalang ng Pamantasan ang karapatan ng Unyon na maglunsad ng strike sa mga pagkakataong may sapat na batayan. Gayunman, kung ang hakbanging ito ay ginagamit hindi upang tugunan ang tunay na hinaing sa paggawa, kundi upang hikayatin ang Pamantasan na bawiin o baguhin ang mga parusang ipinataw ayon sa proseso, ito ay sumisira sa mabuting ugnayang paggawa at sa diwa mismo ng unyonismo.

Pangwakas na Pahayag

Batay sa mga nabanggit, naninindigan ang Pamantasan na ang mga ginawa nitong hakbang ay makatarungan, malinaw, at isinagawa ng may buong pagsunod sa tamang proseso.
Ang Work Rotation Program ay isang lehitimo at pinag-usapang inisyatiba na naglalayong paunlarin ang mga empleyado at pagandahin ang operasyon ng organisasyon. Ang mga hakbang pandisiplina na kasunod nito ay tugon sa mga tiyak na kilos ng pagsuway, napatunayan sa pamamagitan ng ebidensya at pormal na proseso—hindi bilang ganti laban sa aktibidad ng Unyon.

Dahil dito, ang paghahain ng Notice of Strike ay hindi naaangkop sa sitwasyon, dahil tila ito ay ginagamit upang pangunahan o hamunin ang resulta ng isang prosesong disiplinaryong dumaan na sa wastong due process.

Nananatiling buo ang paninindigan ng Pamantasan sa integridad ng proseso at sa katarungan ng mga naging desisyon. Kasabay nito, bukas pa rin ang Pamantasan sa pakikipag usap at pakikipagtulungan sa AEWU sa diwa ng pananagutan, paggalang, at paglilingkod sa komunidad.

Sa pagpapatibay ng mga prinsipyong ito, patuloy na isinusulong ng Pamantasan ang isang workplace na makatarungan, makatao, at tapat sa mga pagpapahalaga ng katotohanan, katarungan, at kabutihang panlahat.

Law General Interest Administration Administration Cluster Human Resources
Share:

Recent News

Bending toward justice: A forum on the ICC, the Duterte Case, and victim participation

31 Mar 2026

[Hot Off the Press] Arkipelago

31 Mar 2026

Matthew General clinches gold at Excalibur Fencing Tournament

31 Mar 2026

Silver success for Belarmino at Wilson Epee Invitational

31 Mar 2026

From AGS to ASHS: Ateneo fencers haul 6 medals at 1st Estudio de Espada League

31 Mar 2026

Ethan Santos grabs bronze at Hampton Fencing Club’s 3rd Winter Cup

31 Mar 2026

Blue Eagle blades Santos and General grab gold in Young Musketeers meet

31 Mar 2026

Matthew General secures gold at Coach Benny Fencing Competition

31 Mar 2026

Bending Toward Justice: ALS Forum Examines the ICC, the Duterte Case, and Victim Participation

31 Mar 2026

Protecting Creativity: AIPO and Rizal Library Host Copyright Awareness Session for the Ateneo Community

31 Mar 2026

You may also like these articles

ALS_OTSB3_Gilbert

31 Mar 2026

Bending toward justice: A forum on the ICC, the Duterte Case, and victim participation

Following the successful conclusion of the third installment of the On the Sounding Board Series, entitled Bending Toward Justice: A Forum on the ICC, the

Arkipelago

31 Mar 2026

[Hot Off the Press] Arkipelago

New book from the Ateneo Press Arkipelago provides a fascinating and fantastical twist on Philippine politics and history Our country is an archipelago of stories

ALS_OTSB#3 group

31 Mar 2026

Bending Toward Justice: ALS Forum Examines the ICC, the Duterte Case, and Victim Participation

The Ateneo Law School, through the Fr. Joaquin G. Bernas, SJ Institute for Continuing Legal Education, in partnership with the Ateneo Human Rights Center, held

Copyright Awareness Session

31 Mar 2026

Protecting Creativity: AIPO and Rizal Library Host Copyright Awareness Session for the Ateneo Community

On March 18, 2026, the Ateneo Intellectual Property Office (AIPO), in collaboration with the Rizal Library, successfully conducted a Copyright Awareness Session held on the

Close up of University seal and logo at Xavier Hall

31 Mar 2026

Holy Week 2026 Holidays (Memo # UHR2526-038)

Memo # UHR2526-038 31 March 2026 TO: All Employees FROM: [Sgd] Maria Victoria T Cortez, PhD Vice President for University Human Resources SUBJECT: Holy Week

ASOG’s Tobacco Control initiatives spotlighted in DOH National Technical Working Group for Tobacco Prevention and Control

31 Mar 2026

ASOG’s Tobacco Control initiatives spotlighted in DOH National Technical Working Group for Tobacco Prevention and Control

On March 10 to 12, 2026, the Ateneo School of Government (ASOG), through its research and public policy unit, the Ateneo Policy Center, participated in

Katipunan Avenue, Loyola Heights, Quezon City 1108, Philippines

info@ateneo.edu

+63 2 8426 6001

Connect With Us
  • Contact Ateneo
  • A to Z Directory
  • Social Media
Information for
  • Current Students
  • Prospective Students
  • International Students
  • Faculty & Staff
  • Alumni
  • Researchers & Visiting Academics
  • Parents
  • Donors & Partners
  • Visitors & Media
  • Careers
Security & Emergency
  • COVID-19
  • Campus Safety
  • Network & Tech
  • Emergency Management
  • Disaster Preparedness
Digital Resources
  • AteneoBlueCloud
  • Archium
  • Rizal Library
  • Ateneo Mail (Staff)
  • Ateneo Student Email
  • Alumni Mail
  • Branding & Trademarks
  • Data Privacy
  • Acceptable Use Policy
  • Report Website Issues
  • Ateneo Network
  • Philippine Jesuits

Copyright © 2022 Ateneo de Manila University. All rights reserved. | info@ateneo.edu | +63 2 8426 6001

Search