Araw ng Kagitingan
26 Mar 2023
Isang mapayapang araw sa lahat!
Sa 9 Abril 2023 ay ipagdiriwang ang ika-81 taong anibersaryo ng Araw ng Kagitingan. Ang tema ngayong taon ay: "Kagitingan ng mga Beterano, Pundasyon ng Nagkakaisang Pilipino."
Ating gunitain ang mga sundalong Pilipino at Amerikanong nanindigan laban sa puwersa ng Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa kabila ng hirap at panganib, matapang nilang ipinaglaban ang Bataan na sentro noon ng pagdepensa ng bansa.
Alam niyo bang ilan sa mga nakipaglaban para sa Pilipinas ay mga ordinaryong mamamayan tulad ng mga manggagawa, magsasaka at mag-aaral? Marami ring mga kabataan at kababaihang nagpamalas ng lakas at pagmamahal sa bayan.
Mula sa inspirasyong ibinigay ng ating magigiting na beterano ng digmaan, patuloy tayong magkaisa sa pagharap sa mga hamon ng kasalukuyang panahon. Nawa'y magpatuloy ang diwa ng pagtutulungan sa bawat mamamayang Pilipino.
Maligayang Araw ng Kagitingan!
Isinulat ni Gng Angeline Martha M Cariquitan
Disenyo mula sa National Historical Commission of the Philippines
Pagsasaayos ng sukat ng disenyo ni Gng Ruby Punay