Skip to main content

Main Secondary Navigation

  • About Ateneo de Manila
  • Schools
  • Research
  • Global
  • Alumni
  • News
  • Events

Main navigation

  • Learn & Grow
  • Discover & Create
  • Make an Impact
  • Campus & Community
  • Apply
  • Home >
  • News >
  • Misa para sa Banal na Espiritu ng AJHS

Misa para sa Banal na Espiritu ng AJHS

31 Aug 2023

16 Agosto 2023 | 7:45 AM, Binubungang Palaruan ng AJHS

 

Veni Sancte Espiritus!

Bilang isang pamayanan, ipinagdiwang ng buong Ateneo de Manila Junior High School ang Misa Para sa Banal na Espiritu. Sa misang ito, hiniling na ipagkaloob ng Banal na Espiritu ang kanyang mga biyaya: ang Biyaya ng Karunungan, Pag-Unawa, Kaalaman, Pagpapayo, Katatagan, Kabanalan at Banal na Pagkatakot sa Diyos.

Gayundin, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ating buwan ng wika, ang buong liturhiya sa Banal na Misa ay binigkas sa wikang Filipino at ang mga panalangin ng bayan ay gamit ang iba’t ibang wika ng Pilipinas. Kaugnay nito, ginamit bilang palamuti ng backdrop ang iba't ibang uri ng tela mula sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. Ang kinalabasan nito ay isang makulay at kaakit-akit na tapestry, na tunay namang nakadagdag sa kasiglahan ng okasyon. 

Ginamit bilang palamuti ng backdrop ang iba't ibang uri ng tela mula sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas.
Ginamit bilang palamuti ng backdrop ang iba't ibang uri ng tela mula sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas.

Bilang unang Misa ng taong-aralan, nakapaloob sa pagdiriwang ang missioning rites ng mga mag-aaral, ng mga tagapaghubog, at ng mga magulang, upang sa gayon, lahat ay sama-samang makapaghanda at makasulong sa panibagong taon ng eskwela. 

Sa misang ito, hiniling na ipagkaloob ng Banal na Espiritu ang kanyang mga biyaya: ang Biyaya ng Karunungan, Pag-Unawa, Kaalaman, Pagpapayo, Katatagan, Kabanalan at Banal na Pagkatakot sa Diyos.
Sa misang ito, hiniling na ipagkaloob ng Banal na Espiritu ang kanyang mga biyaya: ang Biyaya ng Karunungan, Pag-Unawa, Kaalaman, Pagpapayo, Katatagan, Kabanalan at Banal na Pagkatakot sa Diyos.

Minabuti ring maglaan ng isang pagpupugay para sa yumaong punong-guro na si Sir Jonny Salvador, bilang pasasalamat sa lahat ng kabutihang ipanagkaloob niya sa komunidad, at bilang inspirasyon na rin para sa lahat.

Sa araw ring ito naisagawa ang pagbabasbas ng mga silid-aralan sa umaga, pagkatapos ng Misa at recess, at ng mga opisina’t work areas naman sa hapon.  Itinakda na ring community spiritual hour ang ginawang pagbabasbas, kung saan nagdasal ng Rosaryo ang buong komunidad ng faculty at staff habang umiikot ang chaplain at mga Heswitang scholastics. Taos-puso ang aming pasasalamat sa tulong ng mga Heswita mula sa Loyola House of Studies at Arrupe International Residence.

Pagbabasbas ng mga silid-aralan
Pagbabasbas ng mga silid-aralan

Sa pamamagitan ng Banal na Misa para sa Banal sa Espiritu at pagbabasbas ng mga silid-aralan at tanggapan ng AJHS, nawa’y tunay na pagpalain at mapukaw-ang-sigla ng lahat sa pagsisimula ng isa na namang bagong taong-pampaaralan.  

AM+DG

Sina Fr Jonjee Sumpaico SJ (kaliwa) at Fr Mammert Mañus (kanan), kasama ang Ateneo Liturgical Ministry
Sina Fr Jonjee Sumpaico SJ (kaliwa) at Fr Mamert Mañus (kanan), kasama ang Ateneo Liturgical Ministry 

 

Religion and Theology Mission & Formation Junior High School
Share:

Recent News

Bending toward justice: A forum on the ICC, the Duterte Case, and victim participation

31 Mar 2026

[Hot Off the Press] Arkipelago

31 Mar 2026

Matthew General clinches gold at Excalibur Fencing Tournament

31 Mar 2026

Silver success for Belarmino at Wilson Epee Invitational

31 Mar 2026

From AGS to ASHS: Ateneo fencers haul 6 medals at 1st Estudio de Espada League

31 Mar 2026

Ethan Santos grabs bronze at Hampton Fencing Club’s 3rd Winter Cup

31 Mar 2026

Blue Eagle blades Santos and General grab gold in Young Musketeers meet

31 Mar 2026

Matthew General secures gold at Coach Benny Fencing Competition

31 Mar 2026

Bending Toward Justice: ALS Forum Examines the ICC, the Duterte Case, and Victim Participation

31 Mar 2026

Protecting Creativity: AIPO and Rizal Library Host Copyright Awareness Session for the Ateneo Community

31 Mar 2026

You may also like these articles

2026 QS Subjects

25 Mar 2026

QS Subject Rankings 2026: Ateneo in top 100 for theology; ranked in 7 subject areas

Ateneo de Manila University is among the top institutions in seven subject areas, and among the top 100 for theological and religious studies, according to

Way of the Cross 2026- 15th Station

04 Mar 2026

AJHS sponsors annual Way of the Cross gathering

Sponsored by the Ateneo de Manila Junior High School, the annual University Way of the Cross (Stations of the Cross) was held on the afternoon

A grade 2 girl receiving her First Holy Communion

02 Mar 2026

Another First: AGS girls receive their First Holy Eucharist

Ateneo de Manila Grade School’s Grade 2 students received their First Holy Communion on 7 and 14 February 2026 at the Church of the Gesù

Grade 6 Ateneans "Meet The Jesuits" (27 November 2025)

30 Jan 2026

An encounter with faith: Grade 6 Ateneans "Meet the Jesuits"

The following reflections were written by two Grade 6 students who participated in the recent “Meet the Jesuits” activity. In their personal accounts, they share

ashs

29 Jan 2026

What really matters

On 27 January 2026, the Ateneo de Manila Senior High School commemorated its patron saint, Saint Aloysius Gonzaga, in a special way. Although his feast

Close up of University seal and logo at Xavier Hall

23 Jan 2026

University Way of the Cross 2026 (Memo U2526-060)

(Memo U2526-060)All members of the community (students, faculty, professionals, staff, administrators, parents, and alumni) are invited to participate in the University Way of the Cross on Friday, 27 February 2026, at the Loyola Heights Campus.

Katipunan Avenue, Loyola Heights, Quezon City 1108, Philippines

info@ateneo.edu

+63 2 8426 6001

Connect With Us
  • Contact Ateneo
  • A to Z Directory
  • Social Media
Information for
  • Current Students
  • Prospective Students
  • International Students
  • Faculty & Staff
  • Alumni
  • Researchers & Visiting Academics
  • Parents
  • Donors & Partners
  • Visitors & Media
  • Careers
Security & Emergency
  • COVID-19
  • Campus Safety
  • Network & Tech
  • Emergency Management
  • Disaster Preparedness
Digital Resources
  • AteneoBlueCloud
  • Archium
  • Rizal Library
  • Ateneo Mail (Staff)
  • Ateneo Student Email
  • Alumni Mail
  • Branding & Trademarks
  • Data Privacy
  • Acceptable Use Policy
  • Report Website Issues
  • Ateneo Network
  • Philippine Jesuits

Copyright © 2022 Ateneo de Manila University. All rights reserved. | info@ateneo.edu | +63 2 8426 6001

Search